Raxl's posts with tag: summer

What are tags? You can give your posts a "tag", which is like a keyword. Tags help you find content which has something in common. You can assign as many tags as you wish to each post.
View posts by people in your network with tag summer
Blog EntryMag-enjoy kahit sick...yehey!Apr 26, '08 5:03 AM
for everyone

Three days pa lang akong absent pero pakiramdam ko ang tagal-tagal ko ng wala sa sirkulasyon. Ang KJ talaga!!! Siguro I need to take it slow din. Come to think of it halos umuuwi lang ako sa bahay para matulog at maligo. Been doing lots of stuff like traveling, working, playing futbol, working, meeting friends, working, may lil favors din like writing for a school project, work ulit...siyempre nanonood din ng DVD. At ang kapalit..measles! Nakakahiyang ewan, it sounds sakit ng bata. Pero I'm ok with it kaysa sakit ng matanda (ano nga ba 'yun?).

Sabi ng doctor magpahinga daw ako for one week, now's my chance para mapanood ang mga dapat mapanood. So far natapos ko na ang Bambino (J-dorama starring Matsumoto Jun), and I'm on my second series since nag-leave ako, Bewitched (K-series starring Jae Hee). Ang dami ko pang panonoorin, kaya dapat mag-enjoy kahit sick! Yehey!

I think now's the best time to plan ulit, hehe. Saan naman kaya ako pupunta sa susunod? And yes, I've decided to join that 5 km marathon with Clauds..exciting! I MUST start house-hunting na din paggaling ko.

Life is indeed beautiful, kahit wala akong magawa ngayon I've something to look forward to. Meanwhile I'll have some refreshing fruit shake habang nagmumuni-muni.


EventHello ViganMar 28, '08 8:08 PM
for everyone
Start:     Apr 11, '08
End:     Apr 13, '08
Location:     Vigan, Ilocos Norte
My first vacation after two years of hard work...yebah!

Blog EntryPanaginip sa Tag-initMar 9, '06 1:21 AM
for everyone

Nai-imagine ko na nagbabasa ako ng libro sa duyan sa ilalim ng dalawang puno ng niyog. Tapos may buko juice sa lamesita sa tabi ng duyan, at may otap pa. Masarap langhapin ang hangin, sariwang-sariwa ang amoy ng tae ng kalabaw, pero okey lang dahil madali namang mawala ang amoy. Ang sikat ng araw ay hindi masakit sa balat, nalilimliman ako ng mga dahon ng puno.

Ramdam ko na ang init ng panahon. Tinatawag na ako ng beach, hinihintay na ako ng mga libro ko. Nakahanda na ang sunglasses ko, ang sunblock, ang sadals, ang bayong, dyabets na lang ang kulang at pwede na akong magbakasyon. Saan ako pupunta? Pupunta ako sa Pagudpud, El Nido, Boracay, Puerto Galera, Cebu... sa panaginip.



© 2008 Multiply, Inc.    About · Blog · Terms · Privacy · Corp Info · Contact Us · Help