Kapag may reunion kami ay nakaugalian na ang pagpapaagaw ng barya.
Last time nagpaagaw ng coins na may kasamang singko - as in 'yung may butas sa gitna!
Walang pumapansin. Tapos tinawag kung sinong nakapulot ng mga singko at pinalitan ng $5 bawat isa! Kaya hayun at nagkandarapa at nagkandaduling kami sa paghahanap ng singko!