Raxl's posts with tag: party

What are tags? You can give your posts a "tag", which is like a keyword. Tags help you find content which has something in common. You can assign as many tags as you wish to each post.
View posts by people in your network with tag party
Blog EntryMask-keber!Nov 15, '08 1:49 PM
for everyone
Ang theme ng Christmas party namin sa office ay Masquerade Ball, pero mask lang naman ang bongga. Ilang linggo na lang at party na at wala pa akong mask. Teka, pakialam ko ba dun! Ayaw ko nga mag-effort ngayon 'no!

Last year super effort ako sa hat na ginawa ko. Tapos ang nanalo sa category ng hat ko ay mukhang nabili lang sa ka-cheapang palengke ang hat na may patay-sindi-parang-beerhouse lights! Sa mga makakabasang officemates ko, hindi ako bitter, feeling ko pa rin ayaw nilang mag-grand slam ang team namin! Ngyaha! Para fair daw. Echusa!

Oh well, that was a year ago. Ayoko nang mag-effort. Kaya lang naman ako nae-excite sa party dahil mangunguha ako ng pictures...inspirational pictures. Evil plan na naman (with Jeff a.k.a. Jopay)! At saka mag-e-experiment ako ng shots with my limited camera. Naiisip ko na ang lights, ang smoke...sarap mag-picture!

Ano kayang food? Ay naku, hindi ko talaga bobonggahan ang mask ko para makakain ako ng maayos. Baka pag tinadtad ko ng glitter o feather ang mask baka 'yun pa makain ko! Masira pa'ng gabi ko.

Yiiii! Tapos ng Christmas party, Pasko, birthday, New Year, Dad's birthday, isang buwan na lang February na, Valentimes Special na! EEEEeeeeeek! Hindi ako excited, hindi ako hyper, basta EEEEEeeeeek lang.

ddd
dThumbnaild
ddd
Masaya talaga kapag graveyard shift!

Kagabi hindi lang kainan, may costume party pa kami! Nakasama din ako sa mga peak season recognition chuva...at nanalo ang Selda 16! Siyempre magagaling din mga ka-selda ko, ako lang pasaway! Ngyaha!

Go night shift!

ddd
dThumbnaild
ddd
Materials:
'sampayan' wire
long nose
spray paint
small stuffed toys
mini electric fan
flash light
art paper (eyes & lips)

© 2008 Multiply, Inc.    About · Blog · Terms · Privacy · Corp Info · Contact Us · Help