Malapit na ang April 11 pero hindi pa rin ako pinapayagan mag-leave! Ano ba 'yun?! Kesyo kailangan ko pa daw maghanap ng kapalit ng off, kesyo peak daw...tsk! Sana bukas payagan na 'ko ng maluwag sa kanilang kalooban, wala naman akong absent at late last month, todo overtime pa! Karapatan ko namang mag-vacation leave 'no!
Habang papalapit ang date ng pag-alis ko parang lalong bumabagal ang oras. Naiinip na 'ko! Excited na 'kong matulog sa bus, excited na 'kong mamasyal, excited na 'kong mag-swimming sa beach, excited na 'kong mag-picture-picture! Sobrang...sobrang...sobra na! Excited nga ako pero hindi ko pa naihahanda ang mga dadalhin ko. Ngeee, nakakangarag!
Tapos may mga nagyayaya pang mag-futbol sa Lunes, I didn't say no, I didn't say yes, but you know I can't resist! May lakas pa kaya ako nun? Siyempre kailangan ko din ng lakas para sa mga DVD serieseseseseses ko. At may santambak na gamit sa cabinet na naghihintay maayos, wish ko lang may kusang umayos ang mga gamit ko.
I think I'm going to be a tire-onna* soon.
*dried-up, tired woman