Raxl's posts with tag: komiks

What are tags? You can give your posts a "tag", which is like a keyword. Tags help you find content which has something in common. You can assign as many tags as you wish to each post.
View posts by people in your network with tag komiks
Blog EntryPinoy Komiks: Ang PagbabalikOct 25, '07 9:05 PM
for everyone

Natutuwa ako dahil nakakakita na naman ako ng mga Pinoy komiks sa mga newsstands, ilang bookstores, at mga kabataang nagpapalitan nito.Ilan sa mga titles na nakita ko ay Klasik Komiks, OFW Super Stories, Super Funny Komiks, Gwapo Komiks, at Estudyante Komiks. May ilang titles na mabibili sa halagang Php10 lang (bumaba ang presyo kumpara noong 2004 na umaabot sa halagang Php25 ang isang komiks.

Tama lang na magbalik ito, isang magandang alternatibo sa panonood ng TV, pag-i-internet at pagte-text. Marami ka rin namang matututunan sa komiks, at enjoy ang pagbabasa dahil may mga drawing na kasama.

Naalala ko nung bata pa ako, mga apat na taon ako noon, kapag ayaw kong maglaro ay nagbabasa ako ng komiks kahit hindi pa ako gaanong marunong magbasa noon. Mas gusto ko 'yung may mga "Wakas" sa dulo kaysa "Itutuloy". Pakiramdam ko kapag nakita ko 'yung "Wakas" tapos na 'yung kwento, kapag "Itutuloy" hahanapin ko pa 'yung susunod na komiks, na di ko naman nahahanap dahil hanggang 10 pa lang ang alam kong bilang.

Isa sa mga madali kong nakilala at paboritong guhit ay kina Joey at Louie Celerio (mga anak ng yumaong national Artist na si Levi Celerio), lahat ng komiks na may ginuhit sila ay binabasa ko, nakalimutan ko na ang mga title nun. Ang pinakahuling nabasa at sinubaybayan ko ay ang Huwad na ginuhit ni Joey Celerio, mga pitong taon na ang nakakaraan. Paborito ko rin ang mga gawa ni Rod Santiago, siya rin ang gumuguhit ng kanyang kwento. Madalas kong basahin noon ay Pilipino Komiks at Hiwaga Komiks (sa Atlas rin pala galing ito kung saan ako dating nagta-trabaho...kapalaran nga naman...parang komiks!).

Masarap magbasa ng Pinoy komiks kahit pa sabihin nilang pang-balot lang daw ng tinapa ang mga pahina nito, at para sa mga tambay lang daw ang komiks. Pero sa komiks ako natututong magbasa at umunawa, at ang aking munting imahinasyon ay nagsimulang gumana. Dahil rin dito kaya ako natutong gumuhit.

Ngayong nagbabalik na ang komiks, huwag na sana itong mawala. May malaking kontribusyon ito sa ating kultura. Pinagyaman nito ang panitikang Filipino, at tayong mga Filipino.


© 2008 Multiply, Inc.    About · Blog · Terms · Privacy · Corp Info · Contact Us · Help