I'm a little teapot short and stout
yes sir, yes sir three bags full
like a diamond in the sky
twinkle twinkle little star
how how de carabao batuten!
Ewan ko kung paanong nangyari, basta kumakanta lang ako ng Little Teapot nung minsan at 'yan ang naging lyrics ko. Dala ba ito ng sobrang pakikipaglaro sa mga pamangkin ko? O talagang naghahalu-halo nang lahat ~ umaga at gabi, ngayon at bukas, twinkling star at carabao*?
Kahit lost ako sa time zone ipinagmamalaki ko na naging PERFECT ANG ATTENDANCE KO for 1 month noong March at naging Best Weekly Performer nung March/April! Akalain mo 'yun, wala akong absent, wala akong half day, at ang pinakamatindi WALA AKONG LATE sa isang buong buwan! Achievement ito! Hihihi!
Tulad din pala ako ng kalabaw at bituin sa gabi, I work hard and I still shine! Yeba!
Oras na para matulog.
*water buffalo