Raxl's posts with tag: food trip

What are tags? You can give your posts a "tag", which is like a keyword. Tags help you find content which has something in common. You can assign as many tags as you wish to each post.
View posts by people in your network with tag food trip
EventValentine SpecialNov 12, '08 12:20 PM
for everyone
Start:     Feb 11, '09 9:00p
End:     Feb 15, '09
yehey!

ReviewReviewReviewReviewTekki Yakiudon Chili CrabAug 1, '08 12:00 PM
for everyone
Category:Other
Sa gitna ng aking pagmumuni-muni habang nagmi-midnight snack, natagpuan ko na lang ang sarili kong nire-review ang Tekki Yakiudon Chili Crab Flavor.

Nakalagay sa karaniwang sukat ng cup pang-mami, may oil, chili oil at flavoring powder. Niluluto tulad ng instant mami pero tinatanggalan ng tubig after 3 minutes at saka ilalagay ang mga flavorings. Pagkatapos ay hahaluin hanggang maging orange ng noodles.

Masarap siya, lasang Chili Crab tulad ng special recipe ni Baby~Jane. Masarap gawing snack kapag nagmo-movie marathon o nag-i-internet o nakatunganga. Bitin siya pero ayaw ko namang sumobra pa ang dami ng serving nito. Nakakaumay na 'yun tulad ng mga foreign noodles. Gawa ito ng Zest-O Corporation, kaya may tamang anghang para sa panlasang Pinoy. Angkop ang kanyang slogan na "Satisfy you craving in an instant", na-satisfy nga niya ang craving ko sa Chili Crab ni Baby~Jane, na pagkasarap-sarap pero tuwing may espesyal na okasyon ko lang natitikman.

Mabibili sa halagang Php19.00 isang cup sa grocery. Regular size lamang walang small. May ibang flavor din ito, Garlic Chicken pero hindi ko pa natikman 'yun.



Blog EntryBarya lang po sa haponMar 10, '08 4:38 PM
for everyone

Ayaw na ayaw kong nauubusan ng barya dahil ayaw kong naghihintay ng sukli kapag nagbabayad ako sa jeep, bus, o tricycle. Nung isang hapon naubusan ako ng barya. Tumingin-tingin ako sa paligid, at ang pinakamalapit na tindahan ay National Bookstore. Ayaw magpapalit ng barya ang kahera kaya napilitan akong bumili ng pinaka-gusto kong bagay sa sandaling 'yon. Dumampot ako ng Tw7sted ni Jessica Zafra, kaunting lakad ay dumampot din ako ng Fever Pitch ni Nick Hornby, pagkatapos ay pumila at nagbayad na ako sa counter. Yehey may barya na 'ko!

Nang makalabas ng mall, na-realize kong wala na akong pera para sa buong linggo. Nagpabarya lang naman ako pero nangalahati na pera ko...hikbi. May mga books nga akong bago, pero kapag nagutom ako...kakainin ko na lang ang mga pahina ng bagong libro ko...hikbi!

Tw7sted for lunch

Fever Pitch for dinner

Snacks naman 'yung matitirang pahina


Blog EntryFood Tripper's Daily PlannerDec 9, '07 4:04 PM
for everyone

2:00 p.m. Tapa (Queen), sinangag, itlog, regular Pepsi (Tapa King, Boni EDSA)

5:43 p.m. Spicy chicken burger, french fries, regular coke, choco frost blends (Jollibee, Boni EDSA), 1 mini jellyace, 1 choco saucer

9:00 p.m. Kitkat (office)

10:15 p.m. Coke sakto (The Fifth)

11:50 p.m. Minestrone soup, sisig (Iceberg's, Metrowalk)

1:30 a.m. French fries + mayonnaise, apple pie (McDonald's, Emerald Ave.)

3:45 a.m. Shawarma (Emerald Ave., midnight food court)

Ang sarap lang kumain! Hindi naman ito kalabisan, gutom lang talaga ako nung araw na 'yun. Dala na rin siguro ng panahon kaya nakakaganang kumain, dagdag pa ang mga binibigay na chocolates ng officemates ko.


Blog EntryTop 5 Best Things in LifeDec 9, '07 2:16 PM
for everyone

1. Eat

2. Sleep

3. Sex

4. Shopping

5. Daydream

 

Survey by Pacel, Jane, Jeff & Raxl


© 2008 Multiply, Inc.    About · Blog · Terms · Privacy · Corp Info · Contact Us · Help