Raxl's posts with tag: cinemalaya

What are tags? You can give your posts a "tag", which is like a keyword. Tags help you find content which has something in common. You can assign as many tags as you wish to each post.
View posts by people in your network with tag cinemalaya
ReviewReviewReviewReviewReviewEndo.Feb 11, '08 9:54 PM
for everyone
Category:Movies
Genre: Independent
UFO Pictures
Starring: Jason Abalos, Ina Feleo, Ricky Davao at marami pang iba
Director: Jade Francis Castro

Ang endo ay pinaikling tawag sa end of contract. Madalas ang may eksenang ganito ay mga kontraktwal na namamasukan tulad ng saleslady/man, waiter, packer, etc. Matapos ang anim na buwang kontrata ng pamamasukan ay panibagong paghahanap ng trabaho na naman ang kakaharapin, walang katiyakan, walang kasiguraduhan.

Sa Endo. ipinakita ang pagkakaroon ni Leo (Jason Abalos) ng iba't ibang ka-relasyon sa bawat napasukan niyang trabaho. Ang bawat isa ay nag-iwan ng magandang alaala sa kanya. Sa mga unang relasyon niya ay mababaw ang pananaw niya sa pag-ibig, buhay at pangarap. Pero ng makilala niya si Tanya (Ina Feleo) na walang materyal na iniwan sa kanya ngunit puno naman ng pangarap at pag-asa, nagbago ang pagtingin ni Leo sa buhay.

Ang pelikula ay may simple at magandang kwento, realistic nga sabi ng mga kasama ko. Walang special effects pero mae-entertain ka pa rin. Gumamit ang Endo ng mga bagong musika mula sa Ang Bandang Shirley (at iba pa) na bumagay naman sa pelikula.

Sana ay makapanood pa ako ng mga ganitong klase ng pelikula.


© 2008 Multiply, Inc.    About · Blog · Terms · Privacy · Corp Info · Contact Us · Help