Raxl's posts with tag: christmas

What are tags? You can give your posts a "tag", which is like a keyword. Tags help you find content which has something in common. You can assign as many tags as you wish to each post.
View posts by people in your network with tag christmas
Blog EntryChristmas 2007Dec 25, '07 1:27 PM
for everyone

Merry Christmas!

Nakakapagod din kapag magpa-Pasko. Lalo pa sa 'kin dahil kailan ko lang na-realized na gusto kong magregalo...tipong ilang tulog na lang Pasko na. Kaya hayun nangarag ako sa pagbili at pagbalot eh mapili pa 'ko sa ipangreregalo. At ewan ko ba, may listahan na nga ako pero lagi pa rin akong kinukulang ng gift, next time mamimili ako ng sobra.

Bukod sa preparation kailangan ding mag-attend ng mga parties, minsan nga may binyag pa o kaya wedding (huhu, naalala kong kilay kong binalahura!). At siyempre huwag kakalimutan ang trabaho...swerte nga lang sa office dahil maaga kaming pinauwi these past 2 days.

Kaya siguro kaninang paggising ko ang sakit ng lalamunan ko. Feeling ko talaga magkakasakit ako, stressed eh. Pero ipo-postpone ko ang sakit, dapat kong gawin ang mga dapat gawin. Konting sakripisyo alang-alang sa sambayanan at kapaskuhan, after all I had a great year...sobra! Ilang tulog na lang din everything will be back to normal.

*******************************************************************

Noche Buena: chicken macaroni soup, canned ham, pandesal, hot chocolate, bibingka

My aunt did not prepare 'bonggacious noche buena', di naman daw kasi nauubos.


Blog EntrySurvey Before Christmas 2Dec 23, '07 1:34 PM
for everyone

Tapos ka na bang bumili ng pang-regalo? tapos na

Saan ka namili? sa greenhills, sa moa, sa trade center

Ilan ang inaanak mo? 8

Ilan ang ninang at ninong mo? 2 ninang, dalawang ninong

Anong binili mong pang-regalo ang gusto mo din? children's books

Anong binili mong pang-regalo na hindi mo niregalo? Z letter na microwaveable

Magkano nagastos mo? more than 1,000Php

May nakalimutan ka bang bilhan ng regalo? yes

Bakit ka nagreregalo? my way of sharing my blessings

Naibalot mo na ba ang mga regalo mo? hindi pa lahat

Anong kulay ng gift wrapper ang ginamit mo? red, yellow orange, green

Sino ang unang nagbigay ng regalo sa iyo? si Pacel

Anong natanggap mo? cellphone accessories

Sumasali ka ba sa exchange gift? yes

Magkano ang budget mo sa exchange gift? 200Php (napagkasunduan)

Anong pinang-exchange gift mo? VCD copy ng Big Fish at Stainless Longganisa ni Bob Ong

Lahat ba ng nireregalo sa iyo ay ginagamit mo? yes, pero tinatabi ko muna 'yung iba

Anong regalo ang pinakanatuwa ka at bakit? Z letter na microwaveable, affordable kasi tapos tamang-tama pa sa mga kamag-anak, ok din ang mga kulay

Anong regalo mo sa sarili mo?  isang slice ng Baileys flavored dark choco cake from chocolat


© 2008 Multiply, Inc.    About · Blog · Terms · Privacy · Corp Info · Contact Us · Help