Raxl's posts with tag: books

What are tags? You can give your posts a "tag", which is like a keyword. Tags help you find content which has something in common. You can assign as many tags as you wish to each post.
View posts by people in your network with tag books
ReviewReviewReviewReviewSawikaan 2005, Mga Salita ng TaonFeb 28, '08 3:31 PM
for everyone
Category:Books
Genre: Other
Author:Galileo S. Zafra, Michael M. Coraza
Ang Sawikaan 2005, Mga Salita ng Taon ay naglalaman ng mga pinagmulan, gamit at halaga ng mga salitang sumikat sa nasabing taon. Ito ay proyekto ng Filipinas Institue of Translation (FIT).

Ang bawat salita ay sinaliksik at sinulat sa malikahing paraan na naging basehan din ng pagkatanghal nito.

Ang mga nominadong salita:
Blog ni Vladimeir Gonzales
Call Center ni Silvestre "Jay" Pascual, III
E-Vat ni Leuterio Nicolas
Gandara ni Winton Lou Ynion
Networking ni Jelson Estrella Capilos
Tsunami ni Michael Francis Andrada
Wiretapping ni Yolando Jamendang, Jr.
Caregiver ni James Kenneth Sindayen
Coño ni Sharlene Valencia

Salita ng taon: Huweteng ni Roberto T. Añonuevo
Ikalawang salita ng taon: Pasaway ni Patrick D. Flores
Ikatlong salita ng taon: Tibak/T-Back nina April Imson at Salvador Biglaen

Ito ay nagtampok ng mga salitang nagpayaman ng ating wika, kultura, pulitika at pati na mismo ng pang-araw-araw na pamumuhay. Mga salitang nagluwal pa ng ibang salita tulad ng sa 'jueteng', ito ay nagkaron ng mga kapatid na 'jueteng lord', anak ng huweteng', 'juetengate', 'jueteng country', 'jueteng nobela' at marami pang iba.

Maganda ang aklat, naipahayag nito ang mga salitang gamit na gamit ngayon. Nagpakita ito ng pagiging moderno ng wikang Filipino na kumakatawan sa pinagdaraanan ng lipunan at sa pagbabagong nais nitong mangyari.


Blog EntryBooks Not For SaleFeb 28, '08 2:27 PM
for everyone

Hindi ito ang bookstore ni Marky. Ito ang mga aklat na nasimulan ko ng basahin, babasahin, at natapos na. Nangingintab pa 'yung plastic nung iba, ayaw kong tanggalin sa plastic. Habang tumatagal dumadami, nakakataranta na nakaka-excite, basta di ko ma-explain ang feeling!


ReviewReviewReviewReviewReviewMACARTHURJun 15, '07 6:54 AM
for everyone
Category:Books
Genre: Other
Author:Bob Ong
Akalain mong si Bob Ong ang sumulat ng aklat na 'yun! Hindi talaga ako makapaniwala dahil mas kilala ko siya bilang makwelang manunulat sa Paboritong Libro ni Hudas, Bakit Baligtad Magbasa ang mga Pilipino?, atbp.

Noong Miyerkules habang ritwal na nilalakbay ang Gateway, at nagsha-shoplift ng ideas sa Fully-Booked, ako'y napasulyap sa isang shelf at naakit sa aklat na may pabalat na pula at itim, ang paborito kong kulay. Malapot at malamig na pawis ang gumuhit sa aking noo, bibilhin ko ba ito o bibilhin?

Isang linggo mahigit ko ring pinakatitipid-tipid ang labi ng sahod ko, ngunit sa isang iglap ito'y naipagpalit sa Macarthur, ang bagong aklat mula kay Bob Ong.

Natapos ko ring basahin ang Macarthur nung gabing 'yon, pansamantala kong itinigil ang pagbabasa ng Kaleidoscope ni Danielle Steele. At ito'ng malupit na sikreto: first time kong magbasa ng aklat ni DS!

Hindi ko maiwasang ihalintulad ang kwento ng Macarthur sa Trainspotting - pelikulang tumatalakay sa drugs at pagkakaibigan. May mga eksena dito na parang galing sa pelikulang 'yun. Sa Macarthur naalala ko rin ang style ni Edgar Reyes na sumulat ng Kung Ano ang Bawal, at Nagbabagang Luha. At hindi ko rin maiwasang marinig ang boses ni Cracked kapag may eksenang nagmumura ang mga bida! Pakiramdam ko nga'y nasa likod ko lang si Cracked at nakikibasa...pero hindi po, hindi po ako nakapagbato tulad ng mga tauhan sa Macarthur.

Nakakaaliw basahin ang kwento ng barkada nina Cyrus, Jim, Voltron at Noel. Pero nalungkot din ako nang malaman ang sinapit ni Lolo Justo. Puno ng pag-asa, sagana din sa mapait na katotohanan.

Subukan nyong basahin at nang makilala nyo si Macarthur.



"Batung-bato ka na ba? Rock-rockan na!"



© 2008 Multiply, Inc.    About · Blog · Terms · Privacy · Corp Info · Contact Us · Help