Sarap mangarap, pero feeling ko malapit na itong matupad.
Washing Machine - hihi! Tamad ako mag-hand wash kaya nga lahat ng damit ko machine wash! Saka miss na miss ko na magkawkaw sa tubig!!! eeeek! 
TV ('yung slim at medyo malaki ha) - Three years ko na 'tong pinapangarap, dapat matupad na bago mag-June 2008! Ayan may deadline na. 
Gas Stove - Gusto kong magluto na ng sarili kong food. 
Electic Oven - Siyempre gusto ko ring matutong mag-bake! Para lagi akong may dessert. 
Blender - Para feeling bartender ako, gagawa ng mga fruit concoctions...healthy! 
Type ko ring palitan na ng digicam 'yung cameraket ko, cameraket kasi pangraket na camera ko 'yun...bigyan ko siya ng early retirement pero pang experiment na siya.