Blog EntryOverpassAug 25, '08 3:32 PM
for everyone
Tuwing papasok ako sa trabaho ay dumaraan ako sa overpass na ito malapit sa Evangelista Street, EDSA, Makati. Galing ParaƱaque at galing office ay isang side lang ang inaakyatan ko. Tatawid ako papuntang kabila para sumakay ng bus na dadaan sa Boni kapag papasok. At pag-uwi, dyip na papuntang Kanan naman.

Sa umaga papuntang office, bago umakyat ng overpass ay may makikita kang nagtitinda ng dyaryong fresh na fresh galing imprenta. May mga headline ito tungkol sa bayan, mapusok na lasing, panawagan mula sa call centers, at iba pa. Mga ilang hakbang paakyat ay may batang gusgusin na nakaupo sa karton at namamalimos. Pagdating sa kalagitnaan ay may dalawa pang batang gusgusin ang isa'y tulog ang isa'y nagkakamot ng ulo. Minsan wala, minsan mayrong nauuna sa akin sa pag-akyat. Mas gusto kong wala dahil mabilis akong maglakad. Ang malas ko kapag may nauuna sa 'kin na mabagal umakyat at naninigarilyo pa, 'di ko ma-take ang usok galing sigarilyo lalo nang galing sa hininga nya!

May mga parte ng hagdan na may mga basura at meron ding may suka...madalas kanin o kaya'y noodles, eww! Siguradong hindi sanay sa biyahe ang salarin.

Pagdating sa taas may nagtitinda naman ng mga medyas, gloves, towels at cellphone cases. Mas maliwanag ang tanawin dito, kita ang haba ng traffic o ang paparating na MRT.

Pagbaba ay may makikitang suka ulit...malamang continuation ito nung unang batch ng noodles/kanin. Mga plastic cups, plastic bags, candy wrappers ay nagkalat din tulad sa kabilang side. May karagdagang tanawin, di ko lang mawari kung plemang namumuo o bubble gum na kulay phlegm green. May lubak din sa overpass kaya may mga lugar na may tubig at maputik. Pagka-landing mo sa kabila ay nagtitinda naman ng mga candy, mineral water, softdrinks ang sasalubong sa 'yo. Parang sari-sari store na maliit ang tindahan nila pero mas maraming tinda kaysa takatak boys.

Pag-uwi nama'y madadagdagan ng nagtitinda ng lugaw sa isang sulok na dinudumog. Minsan nga'y gusto ko ring subukan pero 'di ako sigurado sa kalinisan. Wala na ang mga batang namamalimos. Nagkaron naman ng magnobyong nagbubulungan. Ang nagtitinda ng medyas ay napalitan na ng nagtitinda ng mga p-DVDs. Nagkaron na rin ng magbabalut sa pagbaba. Nabawasan ng konti ang basura, baka hinangin na. Wala nang sukang noodles/kanin, malamang na-wash away na ng ulan.

Sari-saring tao ang dumadaan at tumatambay sa overpass. May kanya-kanyang kwento ng paghihirap at pagsusumikap. Ang mga basurang nagkalat ay may kwento din. Ang overpass na ito ay tulad ng buhay, marami kang madadaanan, makakasabay, iiwasan at tatanawin. Matututo ka ring mag-skip-hop-step para maiwasan ang mga 'patibong' nito.

lionsdenxxiii wrote on Aug 26
Hmm...di pa ako naka-encounter nan...
metalboy wrote on Aug 26
Wala ka pang nae-encounter na lasing na nakahiga sa tabi ng suka niya sa tulay?
sunriser wrote on Aug 26
tawang tawa ako sa mga suka... "malamang continuation ito nung unang batch ng noodles/kanin..."
bwahaha!
rndypogi wrote on Aug 26
sari-saring tao talaga ang dumadaan sa overpass lalo na ung overpass sa may eastgate kasi may mga holdupper at snatcher na dumadaan din dun dba
raqlobster wrote on Aug 26
Hmm...di pa ako naka-encounter nan...
Hindi mo talaga mae-encounter ito kung di ka pa napapadpad sa lugar nito.
raqlobster wrote on Aug 26
Wala ka pang nae-encounter na lasing na nakahiga sa tabi ng suka niya sa tulay?
Haha, wala pa naman! Pa-mystery effect nga kung sino ang sumusuka dun, puwede siyang biyahilo, may sakit o lasing.
raqlobster wrote on Aug 26
tawang tawa ako sa mga suka... "malamang continuation ito nung unang batch ng noodles/kanin..."
bwahaha!
Puwede naman di ba? Kasi kung ano 'yung nilalaman nung isa ganun din ang makikita mo sa kabila...eww pa rin!
raqlobster wrote on Aug 26
sari-saring tao talaga ang dumadaan sa overpass lalo na ung overpass sa may eastgate kasi may mga holdupper at snatcher na dumadaan din dun dba
So far wala akong nakakasabay na ganyan sa overpass na 'yun. Kakaibang katangian naman 'yan ng overpass dun sa 'tin, everyday joldaper ang laman! Haha!
Add a Comment
   
© 2008 Multiply, Inc.    About · Blog · Terms · Privacy · Corp Info · Contact Us · Help