achuchuchu

Blog EntryMask-keber!Nov 15, '08 1:49 PM
for everyone
Ang theme ng Christmas party namin sa office ay Masquerade Ball, pero mask lang naman ang bongga. Ilang linggo na lang at party na at wala pa akong mask. Teka, pakialam ko ba dun! Ayaw ko nga mag-effort ngayon 'no!

Last year super effort ako sa hat na ginawa ko. Tapos ang nanalo sa category ng hat ko ay mukhang nabili lang sa ka-cheapang palengke ang hat na may patay-sindi-parang-beerhouse lights! Sa mga makakabasang officemates ko, hindi ako bitter, feeling ko pa rin ayaw nilang mag-grand slam ang team namin! Ngyaha! Para fair daw. Echusa!

Oh well, that was a year ago. Ayoko nang mag-effort. Kaya lang naman ako nae-excite sa party dahil mangunguha ako ng pictures...inspirational pictures. Evil plan na naman (with Jeff a.k.a. Jopay)! At saka mag-e-experiment ako ng shots with my limited camera. Naiisip ko na ang lights, ang smoke...sarap mag-picture!

Ano kayang food? Ay naku, hindi ko talaga bobonggahan ang mask ko para makakain ako ng maayos. Baka pag tinadtad ko ng glitter o feather ang mask baka 'yun pa makain ko! Masira pa'ng gabi ko.

Yiiii! Tapos ng Christmas party, Pasko, birthday, New Year, Dad's birthday, isang buwan na lang February na, Valentimes Special na! EEEEeeeeeek! Hindi ako excited, hindi ako hyper, basta EEEEEeeeeek lang.

Blog EntryCrashed and CrushedOct 27, '08 4:33 PM
for everyone
Last Thursday, I was terribly disheartened when I learned that my portable DVD player won't play. My finger accidentally touched the lens. I tried playing all the other CDs I have but it won't read. It was unexpected, an hour before it happened I was super contented and happy with my player and newly bought DVD movies. All of a sudden I'm simply heartbroken. I told myself "Itutulog ko na lang."

As I was about to sleep, I checked my cellphone folders which contained pictures from the internet, with friends, and some inspirational photos. And the folders won't open. All the folders with lots of pictures, music and stuff turned 40kb, so weird! So I tried connecting it to the computer to see if those pictures are still intact. I copy pasted my cellphone files to the computer, and to my flashdisk for back-up, then I pressed the format button. When I was transfering the files back to my cellphone ang bilis! Wow ayos! Then I tried opening folders, playing music but nothing happened. As in nothing happened! No pictures to view, no music to play, no files to read...bad trip!!! And I checked the files I saved in the computer, same thing, it won't open! And I checked my backup from flashdisk which has more files, ayaw talaga! Na-leche na!

Feeling ko na-virus ang mga gadgets! Nagkasabay pa sila ng DVD, kakainis! I'm so lost thinking about those files and my DVD. It is like calling it quits. Ayaw ko nang maging techie*, as if naman!

The DVD player's still under warranty pero ang layo! At kumusta naman ang effort! I don't have any plans of buying a new one or having it fixed. Basta, wala na lang munang DVD marathon. As for my cellphone, I bought a new 2gb miscro SD. And I'll be very careful now, I won't just plug it in any computers. I'll make sure all those anti-virus chuva are updated.



*person who is into high technology gadgets

Blog EntryI love Mondays!Oct 7, '08 7:30 AM
for everyone

Last week was one of my most sad, sleepless week. But everything turned wow on Monday! I'd say whattamonday!!!

I had a great one yesterday! Aside from my week off, I got my first article paycheck (Explore Manila). I had a really hot & crispy chicken from KFC! My friend from college Denden texted me and told me that she's three months pregnant, wuhooo! I'm so happy for her! Then I saw Allandy at Trinoma, the last time I saw him was two years ago. And our saying "Once a PG will always be a PG!" was proven...he treated me with an iced mocha at Krispy Kreme. And there was Ping Medina who completed my day!

And now I believe Monday is a great day to start the week.


Blog EntryMa L'amore NoSep 23, '08 5:38 AM
for everyone
Lyrics Pop-out playerPlaylist

 

Ma l'amore no,
l'amore mio non può
disperdersi nel vento con le rose
tanto è forte che non cederà,
non sfiorirà.
Io lo veglierò,
io lo difenderò
da tutte quelle insidie velenose
che vorrebbero strapparlo al cuor,
povero amor.

Forse te ne andrai
da altre donne le carezze cercherai
- ahimè! -
e se tornerai
già sfiorita ogni bellezza troverai
in me.

Ma l'amore no,
l'amore mio non può
dissolversi con l'oro dei capelli
finch'io vivo sarà vivo in me,
solo per te.

Forse te ne andrai
da altre donne le carezze cercherai
- ahimè! -
e se tornerai
già sfiorita ogni bellezza troverai
in me.

Ma l'amore no,
l'amore mio non può
dissolversi con l'oro dei capelli
finch'io vivo sarà vivo in me,
solo per te


Blog EntryMa L'amore NoSep 23, '08 5:31 AM
for everyone
Lyrics Pop-out playerPlaylist

 

Ma l'amore no,
l'amore mio non può
disperdersi nel vento con le rose
tanto è forte che non cederà,
non sfiorirà.
Io lo veglierò,
io lo difenderò
da tutte quelle insidie velenose
che vorrebbero strapparlo al cuor,
povero amor.

Forse te ne andrai
da altre donne le carezze cercherai
- ahimè! -
e se tornerai
già sfiorita ogni bellezza troverai
in me.

Ma l'amore no,
l'amore mio non può
dissolversi con l'oro dei capelli
finch'io vivo sarà vivo in me,
solo per te.

Forse te ne andrai
da altre donne le carezze cercherai
- ahimè! -
e se tornerai
già sfiorita ogni bellezza troverai
in me.

Ma l'amore no,
l'amore mio non può
dissolversi con l'oro dei capelli
finch'io vivo sarà vivo in me,
solo per te


Blog EntryOverpassAug 25, '08 3:32 PM
for everyone
Tuwing papasok ako sa trabaho ay dumaraan ako sa overpass na ito malapit sa Evangelista Street, EDSA, Makati. Galing Parañaque at galing office ay isang side lang ang inaakyatan ko. Tatawid ako papuntang kabila para sumakay ng bus na dadaan sa Boni kapag papasok. At pag-uwi, dyip na papuntang Kanan naman.

Sa umaga papuntang office, bago umakyat ng overpass ay may makikita kang nagtitinda ng dyaryong fresh na fresh galing imprenta. May mga headline ito tungkol sa bayan, mapusok na lasing, panawagan mula sa call centers, at iba pa. Mga ilang hakbang paakyat ay may batang gusgusin na nakaupo sa karton at namamalimos. Pagdating sa kalagitnaan ay may dalawa pang batang gusgusin ang isa'y tulog ang isa'y nagkakamot ng ulo. Minsan wala, minsan mayrong nauuna sa akin sa pag-akyat. Mas gusto kong wala dahil mabilis akong maglakad. Ang malas ko kapag may nauuna sa 'kin na mabagal umakyat at naninigarilyo pa, 'di ko ma-take ang usok galing sigarilyo lalo nang galing sa hininga nya!

May mga parte ng hagdan na may mga basura at meron ding may suka...madalas kanin o kaya'y noodles, eww! Siguradong hindi sanay sa biyahe ang salarin.

Pagdating sa taas may nagtitinda naman ng mga medyas, gloves, towels at cellphone cases. Mas maliwanag ang tanawin dito, kita ang haba ng traffic o ang paparating na MRT.

Pagbaba ay may makikitang suka ulit...malamang continuation ito nung unang batch ng noodles/kanin. Mga plastic cups, plastic bags, candy wrappers ay nagkalat din tulad sa kabilang side. May karagdagang tanawin, di ko lang mawari kung plemang namumuo o bubble gum na kulay phlegm green. May lubak din sa overpass kaya may mga lugar na may tubig at maputik. Pagka-landing mo sa kabila ay nagtitinda naman ng mga candy, mineral water, softdrinks ang sasalubong sa 'yo. Parang sari-sari store na maliit ang tindahan nila pero mas maraming tinda kaysa takatak boys.

Pag-uwi nama'y madadagdagan ng nagtitinda ng lugaw sa isang sulok na dinudumog. Minsan nga'y gusto ko ring subukan pero 'di ako sigurado sa kalinisan. Wala na ang mga batang namamalimos. Nagkaron naman ng magnobyong nagbubulungan. Ang nagtitinda ng medyas ay napalitan na ng nagtitinda ng mga p-DVDs. Nagkaron na rin ng magbabalut sa pagbaba. Nabawasan ng konti ang basura, baka hinangin na. Wala nang sukang noodles/kanin, malamang na-wash away na ng ulan.

Sari-saring tao ang dumadaan at tumatambay sa overpass. May kanya-kanyang kwento ng paghihirap at pagsusumikap. Ang mga basurang nagkalat ay may kwento din. Ang overpass na ito ay tulad ng buhay, marami kang madadaanan, makakasabay, iiwasan at tatanawin. Matututo ka ring mag-skip-hop-step para maiwasan ang mga 'patibong' nito.

Blog EntryI forgot my passwordAug 4, '08 2:38 PM
for everyone
Paano kong hindi makakalimutan I use 4 passwords sa office, 2 dun dapat palitan monthly. Tapos 3 passwords for personal chuva (isa lang ito, nag-iiba lang kapag full or pinaiksi). Ngayon di ko maalala password ko sa tyomputer ko! huhuhu

Sinubukan ko na sa 'Safe Mode' pero na-save din dun ang passwerd!

Bago nga mouse ko di ko naman magamit ang computer! (ngawa)



Blog EntryShoepatosJul 17, '08 1:02 PM
for everyone

Tagged 'yung gustong sumagot sabi ni Nherz

ano ang size ng paa mo?
Size 6


ilan ang sapatos mo?
less than 10


mahilig ka ba sa high heels?
dati. pero simula nung natapilok ayaw ko na.


mahilig ka ba sa sandals?
yes.


mahilig ka ba sa slippers?
no.


mahilig ka ba sa rubber shoes?
yes


naniniwala ka ba na lahat binabagayan ng black shoes?
no.


ano mas gusto mo, black or white?
black kapag shoes, white kapag sandals


ano ang pinakamura mong sapatos? saan mo nabili?
Php450.00, tinawaran ko pa rubbershoes na pang harabas lang.


ano ang pinakamahal mong sapatos? saan mo nabili?
merrell outdoor shoes

 

ano ang pinaka-ayaw mong sapatos mo?
'yung may heels, lagi akong nasusugat kapag sinusuot ko 'yun.


papatay ka ba para sa sapatos?
no. me ganun?!


ano ang pinaka gusto mong sapatos mo?
outdoor shoes. di sumasakit ang paa ko dun kahit more than 5 hrs na akong gumagala! panalo din kahit mabasa!


lovelife or shoes?
la namang lovelife, shoes na lang muna!


cellphone or shoes?
shoes


house or shoes?
house, pero kapag nasira na ang shoes, shoes muna.


food or shoes?
mamahaling sapatos, para kapag nagutom ako kakainin ko na lang 'yung suwelas! food siyempre!


gusto mo ba yung sapatos ni cinderella?
ayaw.

pinaka ayaw mong brand ng sapatos?
gibi, ang bigat!


pinaka gusto mong brand ng sapatos?
merrell


kung bibigyan ka ng isang sapatos? ano un?
sandals na clark

TAG: 'yung magbabasa nito


Blog EntryBathroom IssuesJul 15, '08 2:32 PM
for everyone

Napansin ko lang kapag naghihintay tayo sa banyo kailangan pang alamin kung sinong nasa loob.

puwede namang abangan 'pag lumabas para malaman kung sino.

kapag nasa loob ka ng bathroom, super ingay ng tilamsik ng tubig, naka-lock siyempre ang pinto pero may kakatok pa rin at tatanungin kung may tao...ka-lurky!

mas nakakaloka kapag tinanong nung kumakatok, "matagal ka pa?"

eh pa'no naman kapag tinanong..."anong ginagawa mo?"

aaaaarrrggghhhh!!!!


Blog EntryKasawiang-paladJul 10, '08 4:04 PM
for everyone

Napakasawi ng araw na ito!

Kaninang umaga nabilad ako tulad ng daing, wala akong magawa, kailangan sumugod sa sikat ng araw dahil tanghali ang pasok ko.

Nag-iwan ako ng lata ng Piknik (ketchup flavor) sa bag doon sa baggage room para pang midnight snack ko. Kulob ang baggage room parang walk-in closet, kasama ko doon si Alvin na nag-spray ng katakut-takot na pabango na pabaho, hayun at na-suffocate ako. Ramdam ko ang pabango niya sa lalamunan ko...ubo...ubo! Habang nasa baggage room ako ay sumabog 'yung Piknik sa loob ng bag ko at sumama ang iba sa jacket na hinugot ko mula sa bag kaya tumapon din ang mapupulang Piknik sa floor. Napa-walis tuloy ako ng di oras. At naabutan pa ako nina Weng at Rose, at ang bati ba sa akin "Akala namin bagong taga-linis", hmpf! Sana tinulungan na lang akong magpulot ng Piknik no!

Okey na 'ko.

Pag-uwi, dumaan ako sa 7-11 at bumili ng Coke 500ml sa plastic na bote. Sumakay ako ng tricycle at naglakad papasok ng village. Masaya akong nakauwi ng bahay. Pagpasok sa kwarto ay binuksan ko ang Coke...sumirit...sumabog! Nagkalat ang brown at malagkit na Coke sa damit ko, sa sahig, sa kama, sa side table, sa mga libro, at pati ang pinsan kong si Gigi ay nasabugan ng Coke. Kinuwento ko ang nagyari sa Piknik nung nasa office ako, sabi niya "Nagpasabog ka ng Piknik, nagpasabok ka ng Coke, isa ka nang terorista!" Hayun at Napa-mop ako ng di oras! Ang lagkit-lagkit ng sahig!

Okey na 'ko, nag-internet na 'ko, naglaro sa www.king.com.

Kani-kanina lang nauhaw ako at kinuha ang natirang Coke na sumirit na nilagay ko sa refrigerator. Na-excite ako sa Chuzzle at nasanggi ko ang bote ng Coke! Naknang-!!! Natapon na naman!!! Wala na akong nainom, wala na 'kong nakain, lahat na lang nagkatapun-tapon, nakakainis! Napa-mop na naman ako ng sahig! Pero ngayon wala ng nang-asar. Mabuti naman.

Nakakaimbyernang nakakainis pero nasubok ang pasensya ko. Nasubok ang buong pagkatao ko. Nanghinayang ako sa mga nagsitapong junkfoods (pagkain pa rin 'yun), sa lakas na dapat kong inlaan sa ibang bagay sa halip na nagpupulot ako o nagpupunas ng sahig. Dapat ay maging mas maingat na ako sa susunod. At naisip kong bihira lang namang mangyari ito sa akin. Kaya okey lang...balik internet! Yebah!


Blog EntryNagtatanong LangJul 4, '08 10:57 PM
for everyone

Bakit kaya sa mga tugtuging pang-sayaw or clubbing parang matamis ang tono ng boses ng mga singers tulad nina Nancy Jane, Kylie Minogue at Bonnie Riley?

At kapag rakrakan or metal ang music laging parang galit or nagga-gargle ng laway (Marilyn Manson)?

Sa ballad naman kailangan sumisigaw o bumibirit para masabing ballad (Regine Velasquez, Celine Dion)?

Bahki i i i i it!

 


Blog EntryTwinkling CarabaoJun 25, '08 12:02 AM
for everyone

I'm a little teapot short and stout

yes sir, yes sir three bags full

like a diamond in the sky

twinkle twinkle little star

how how de carabao batuten!

Ewan ko kung paanong nangyari, basta kumakanta lang ako ng Little Teapot nung minsan at 'yan ang naging lyrics ko. Dala ba ito ng sobrang pakikipaglaro sa mga pamangkin ko? O talagang naghahalu-halo nang lahat ~ umaga at gabi, ngayon at bukas, twinkling star at carabao*?

Kahit lost ako sa time zone ipinagmamalaki ko na naging PERFECT ANG ATTENDANCE KO for 1 month noong March at naging Best Weekly Performer nung March/April! Akalain mo 'yun, wala akong absent, wala akong half day, at ang pinakamatindi WALA AKONG LATE sa isang buong buwan! Achievement ito! Hihihi!

Tulad din pala ako ng kalabaw at bituin sa gabi, I work hard and I still shine! Yeba!

Oras na para matulog.

 

*water buffalo


Blog EntryEK vs SAFCJun 19, '08 11:17 PM
for everyone

Nope, this is not Euro Cup 2008, simply a matter of decision between Enchanted Kingdom and Sunday Afternoon Football Club.

Enchanted Kingdom

Sunday Afternoon Football Club

Enchanted Kingdom

I don't want to miss the Sunday pictorial with my football mates, we'll have that pictorial, kicking ceremony and scrimmage. But I don't want to miss the EK thing with my officemates either. Ang hirap mag-decide, parehong minsan lang mangyayari. Parehong gusto ko 'yung mga makakasama ko.

Sunday Afternoon Football Club

Enchanted Kingdom

I must have an enchanting sunday this coming Sunday!!!


Blog EntryMission Accomplished (almost)Jun 9, '08 12:38 PM
for everyone

It's been a while since I last posted here. I was surprised when I can't remember how to post! Blogging is not really for me, I just enjoy browsing and the feeling of posting. I got a bit dizzy, I don't know which blog to read first, I ended up reading my own. Ang baduy kaya!

Things are going fine these days, so fine I even got teary-eyed thinking about it. I'm almost done with the tasks I'm supposed to do. Wishlist must be granted soon! But while waiting for the right time, I'll be hibernating from travelling, buying stuff, etc. Starting tomorrow it's going to be "work-harder, play super light" instead of "work-hard, play hard."

Gambatte!

 


Blog EntryMag-enjoy kahit sick...yehey!Apr 26, '08 5:03 AM
for everyone

Three days pa lang akong absent pero pakiramdam ko ang tagal-tagal ko ng wala sa sirkulasyon. Ang KJ talaga!!! Siguro I need to take it slow din. Come to think of it halos umuuwi lang ako sa bahay para matulog at maligo. Been doing lots of stuff like traveling, working, playing futbol, working, meeting friends, working, may lil favors din like writing for a school project, work ulit...siyempre nanonood din ng DVD. At ang kapalit..measles! Nakakahiyang ewan, it sounds sakit ng bata. Pero I'm ok with it kaysa sakit ng matanda (ano nga ba 'yun?).

Sabi ng doctor magpahinga daw ako for one week, now's my chance para mapanood ang mga dapat mapanood. So far natapos ko na ang Bambino (J-dorama starring Matsumoto Jun), and I'm on my second series since nag-leave ako, Bewitched (K-series starring Jae Hee). Ang dami ko pang panonoorin, kaya dapat mag-enjoy kahit sick! Yehey!

I think now's the best time to plan ulit, hehe. Saan naman kaya ako pupunta sa susunod? And yes, I've decided to join that 5 km marathon with Clauds..exciting! I MUST start house-hunting na din paggaling ko.

Life is indeed beautiful, kahit wala akong magawa ngayon I've something to look forward to. Meanwhile I'll have some refreshing fruit shake habang nagmumuni-muni.


Blog EntryTire-onna's ThoughtsApr 9, '08 12:20 PM
for everyone

Malapit na ang April 11 pero hindi pa rin ako pinapayagan mag-leave! Ano ba 'yun?! Kesyo kailangan ko pa daw maghanap ng kapalit ng off, kesyo peak daw...tsk! Sana bukas payagan na 'ko ng maluwag sa kanilang kalooban, wala naman akong absent at late last month, todo overtime pa! Karapatan ko namang mag-vacation leave 'no!

Habang papalapit ang date ng pag-alis ko parang lalong bumabagal ang oras. Naiinip na 'ko! Excited na 'kong matulog sa bus, excited na 'kong mamasyal, excited na 'kong mag-swimming sa beach, excited na 'kong mag-picture-picture! Sobrang...sobrang...sobra na! Excited nga ako pero hindi ko pa naihahanda ang mga dadalhin ko. Ngeee, nakakangarag!

Tapos may mga nagyayaya pang mag-futbol sa Lunes, I didn't say no, I didn't say yes, but you know I can't resist! May lakas pa kaya ako nun? Siyempre kailangan ko din ng lakas para sa mga DVD serieseseseseses ko. At may santambak na gamit sa cabinet na naghihintay maayos, wish ko lang may kusang umayos ang mga gamit ko.

I think I'm going to be a tire-onna* soon.

 

*dried-up, tired woman


Blog EntryNatural HighsApr 4, '08 8:37 PM
for everyone

I think I've seen this somewhere...repost ko na lang.

1. Falling in love.
2. Laughing so hard your face hurts.
3. A hot shower.
4. No lines at the supermarket.
5. A special glance.
6. Getting mail.
7. Taking a drive on a pretty road.
8. Hearing your favorite song on the radio.
9. Lying in bed listening to the rain outside.
10. Hot towels fresh out of the dryer.
11. Chocolate milkshake (vanilla or strawberry).
12. A bubble bath.
13. Giggling.
14. A good conversation.
15 The beach
16. Finding a 20 dollar bill in your coat from last winter.
17. Laughing at yourself.
18. Looking into their eyes and knowing they Love you
19 Midnight phone calls that last for hours.
20. Running through sprinklers.
21. Laughing for absolutely no reason at all.
22. Having someone tell you that you're beautiful.
23. Laughing at an inside joke with FRIENDS
25. Accidentally overhearing someone say something nice about you.
26. Waking up and realizing you still have a few hours left to sleep.
27. Your first kiss (either the very first or with a new partner).
28. Making new friends or spending time with old ones.
29. Playing with a new puppy or kitten.
30. Having someone play with your hair.
31. Sweet dreams.
32. Hot chocolate.
33. Road trips with friends.
34. Swinging on swings.
35. Making eye contact with a cute stranger.
36. Making chocolate chip cookies.
37. Having your friends send you homemade cookies.
38 Holding hands with someone you care about.
39 Running into an old friend and realizing that some things (good or bad) never change.
40. Watching the _expression on someone's face as they open a much desired present from you.
41. Watching the sunrise/sunset.
42. Getting out of bed every morning and being grateful for another beautiful day.
43. Knowing that somebody misses you.
44. Getting a hug from someone you care about deeply.
45. Knowing you've done the right thing, no matter what other people think.


Blog EntryOh my nakaka-high!Apr 1, '08 9:11 PM
for everyone

Ilang tulog na lang tapos na ang graveyard shift ko...wuhoooh~wuhoooh!

Hindi ko na talaga kaya ang init sa hapon, ang hirap matulog. Kaya nagmo-movie/series marathon na lang ako with my new baby...portable DVD player. Hindi ko pa nasubukan kung gaano siya ka-portable, hehe, hanggang kwarto pa lang kami.

Hindi siya kasama sa dream appliances ko pero, inip na 'ko. Nag-pile up nang mga DVD na di ko pa napapanood. Sa mga series natapos ko na 'yung 1% of Something, Hanakimi (Japanese version), still watching Hello, Baby! Sa concert, natapos ko na 'yung U2 Go Home, U2 Zoo TV (Sydney, Australia), Queen: We Will Rock You (USA). At sa movie El Crimen del Padre Amaro. Ang dami pang nakapila, dapat mangalahati o kaya 1/4 man lang ng list (mga 15) bago ako mag-evening shift. Huwag na rin kaya akong kumain...ngek hindi puwede 'yun! Adiktuz mode na naman!

Nakakataranta isipin ang pagmo-movie marathon, tapos may trip to Vigan pa 'ko, at pagbalik magtre-train na 'ko for 5 kilometer run sa July (kaya ko kaya?), oh my nakaka-high! At sumisingit-singit pa si Nakatsu Shuichi a.k.a. Ikuta Toma sa aking isip! Di na 'ko nagtataka kung bakit nabu-buwang si Ulap lately.

 

si Koike Teppei pala ito. Sorry maling pic.

Ikuta Toma/Nakatsu

Marami pang dapat gawin, pero ito ang mga gumugulo sa isip ko, ngayon.

 


Blog EntryHoly WorkMar 19, '08 7:46 PM
for everyone

Lahat na lang yata ng tao sa Manila papuntang Boracay o kaya Puerto Galera, di na 'ko magtataka kung lumubog ang mga isla nito! Ang sama ng naiisip ko, tao lang. Any time puwede rin naman akong lamunin ng lupa sa kinauupuan ko. Kakainis, kakainggit kapag may mga nakikita akong sakay ng bus, may dala-dalang backpack at baon. Sarap magbakasyon kaso di pa ko puwede, I'm committed to work this Holy Week. Pero sabi ng iba masama daw magtrabaho kapag Holy Week. Magtrabaho man ako o hindi may susuwayin pa rin ako.

Aba, puwede namang sumuway. Tao lang. And remember isa sa mga katangian ng tao ay ang pagkakaroon ng kasalanan. Kaya nga may Lent di ba.


Blog EntryBarya lang po sa haponMar 10, '08 4:38 PM
for everyone

Ayaw na ayaw kong nauubusan ng barya dahil ayaw kong naghihintay ng sukli kapag nagbabayad ako sa jeep, bus, o tricycle. Nung isang hapon naubusan ako ng barya. Tumingin-tingin ako sa paligid, at ang pinakamalapit na tindahan ay National Bookstore. Ayaw magpapalit ng barya ang kahera kaya napilitan akong bumili ng pinaka-gusto kong bagay sa sandaling 'yon. Dumampot ako ng Tw7sted ni Jessica Zafra, kaunting lakad ay dumampot din ako ng Fever Pitch ni Nick Hornby, pagkatapos ay pumila at nagbayad na ako sa counter. Yehey may barya na 'ko!

Nang makalabas ng mall, na-realize kong wala na akong pera para sa buong linggo. Nagpabarya lang naman ako pero nangalahati na pera ko...hikbi. May mga books nga akong bago, pero kapag nagutom ako...kakainin ko na lang ang mga pahina ng bagong libro ko...hikbi!

Tw7sted for lunch

Fever Pitch for dinner

Snacks naman 'yung matitirang pahina


Pages:123456
© 2008 Multiply, Inc.    About · Blog · Terms · Privacy · Corp Info · Contact Us · Help